ππππππ₯ππ§ππ’π‘ π’π π¦π§ππππ ππ‘π§ππ₯π‘ππ π£ππππ ππ‘π π¦πππ¨π₯ππ§π¬ | π π’π¨ π¦πππ‘ππ‘π
Matagumpay na naisakatuparan sa Municipal Covered Court ng Bayan ng Balete ang Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding (MOU) on Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS), nitong Martes, ika-24 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Ang isinagawang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Local Government Unit (LGU) ng Balete at mga pangunahing ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Army (PA), Batangas Police Provincial Office, Department of the Interior and Local Government (DILG), Sangguniang Bayan, SK Federation ng Balete, Liga ng mga Barangay at mga lokal na kawani ng gobyerno ay isang hakbang tungo sa mas matibay na seguridad at kapayapaan sa ating bayan.
Pinangunahan ng ating butihing Municipal Mayor Wilson Maralit ang pagpapatibay ng mga pangunahing layunin at estratehiya para sa epektibong pagtugon sa mga isyung pangseguridad at kapayapaan ng Balete bilang Chairman ng Municipal Peace and Order Council (MPOC). Naghayag din ng kani-kanilang suporta sina Vice Mayor Alvin T. Payo, DILG Batangas Provincial Director Allan Benitez, SK Federation President Jomar AraΓ±ez, ABC President Macario Suarez, Balete MPS COP PMaj Janver CabataΓ±a, at LTC Ferdinand Bruce Tokong. Alinsunod dito, ang MOU ay siyang magsisilbing pundasyon para sa isang mas organisado at sistematikong bayan ng Bakete na naglalayong mapagtibay ang ugnayan at kooperasyon ng bawat ahensya.
0 Comments