PABAHAY: Isinagawa ngayong araw, Hunyo 25, 2024 sa Barangay Malabanan ang Groundbreaking Ceremony ng Balete Lakeview Residences.






 PABAHAY: Isinagawa ngayong araw, Hunyo 25, 2024 sa Barangay Malabanan ang Groundbreaking Ceremony ng Balete Lakeview Residences.

Layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino ng maayos na tahanan sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program, isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang Groundbreaking Ceremony ay pinangunahan ng ating butihing Mayor Wilson V. Maralit, Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes, Mr. Edwin Hilapad at Ms. Ma. Victoria Dela Cruz ng Crystal C 888 Realty & Development Corp., Mr. Davison Simango ng Zotus Group, Usec. Emmanuel D. Pineda ng Department of Human Settlements and Urban Development, Usec. Mark Cristeo R. Gimenez ng Office of Regional Concerns & Facilitation of Presidential Assistance Presidential Management Staff, Regional Director Atty. Jann Roby Otero ng DHSUD Region IV-A, Atty. Felizardo Tiu, Ms. Jacqueline Constantino ng Pag-IBIG Fund (HDMF) at ni Hon. Armando Maralit ng Barangay Malabanan.
Tinatayang nasa 4,600 pamilya ang maaaring makapag-avail ng programang murang pabahay sa ating Bayan.
Samantala, maaari pa rin pong magsagot sa link na ito ( https://forms.gle/X2vjRhcFsjtr5iHn9 ) ang hindi pa nakakapagregister para sa murang Pabahay.

Post a Comment

0 Comments