𝐃𝐀𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐔𝐒𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐘𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 2024

 






𝐃𝐀𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐔𝐒𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐘𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 2024

▪️Ang asembliya ay magaganap sa ikatlo ng hapon ng Mayo 1 sa Balete Plaza Independencia.
▪️Sa ganap na alas-kwatro ay magsisimula ang Sayaw Pambungad (street dance) mula Balete Park (A) hanggang Poblacion 2 Road (B) bilang hudyat ng pagsisimula ng prusisyon.
▪️Sa pagdaan ng Mahal na Patrona ay mag-aabang ang mga delegado sa magkabilang tabi ng kalsada para “pumayapay” bilang pagpupuri. Ang mga sasama sa prusisyon ay dapat nakasuot ng puti at may dalang panyong bughaw na sabay ipapayapay habang umuusad ang karosa. Maaari ring magpayapay ng asul na panyo ang mga taong manonood bilang pakikiisa sa pagpupuri sa patrona.
▪️Magtutuloy-tuloy ang prusisyon patungo sa Palsara (C), Poblacion-Makina Boundary (D), Purok Gulod, Poblacion (E) hanggang Sala (F). Ang mga rito ng luwa bilang bahagi ng prusisyon ay magaganap sa tatlong istasyon: (1) St. Therese Chapel, (2) Purok Gulod, at (3) Chapel of Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje.
▪️Ang mga delegado ay maghihintay sa plaza para naman sa gagawing Sayaw Pagsalubong habang bumabalik ang patrona mula sa Sala.
———————
𝘼𝙉𝙊-𝘼𝙉𝙊 𝘼𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝘿𝘼𝙋𝘼𝙏 𝘼𝙎𝘼𝙃𝘼𝙉?
▪️Ilang pagbabago sa ruta ng transportasyon at pagparada sa national road at municipal road (maghintay sa abiso ng PNP - Balete para rito)
▪️Pagbagal ng daloy ng trapiko mula 2:00PM hanggang 7:00PM
▪️Pagbabawal na makapasok sa parke dahil ito ang magiging “delegates area”
▪️Pagpapaigting ng seguridad para sa kaligtasan ng lahat at katiwasayan ng kapistahan
𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗨𝗡𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔! 🩵

Post a Comment

0 Comments