Lakbay-Aral ng Bayan ng Balete, matagumpay na naisagawa.






 Lakbay-Aral ng Bayan ng Balete, matagumpay na naisagawa. 

Matapos ang isinagawang Courtesy sa Butihing Ina ng Bayan ng Padre Garcia, Mayor Celsa Braga-Rivera ay nagkaroon ng Meet and Greet at Open Discussion ang delegasyon ng LGU Balete  sa mga Department Heads/Representatives ng LGU Padre Garcia. Nagsagawa din ng isang Exploratory and Observational Tour sa buong Municipal Hall ng Padre Garcia, Padre Garcia Public Market, Livestock Auction Market, Municipal Tourism Office, Pick and Go Farm, MENR Office, ginagawang Bagong Padre Garcia Public Cemetery, Padre Garcia Community Hospital at Padre Garcia Polytechnic College.

Sinamahan at pinangunahan nina PIO Bryant Padilla, Tourism/MAO Romy C. Diaz, MPDC Engr. Khristine Z. Tapalla,Arch. Roderick Sandoval at Municipal Administrator, Mr. Christopher Comia ang delegasyon ng LGU Balete sa pag-iikot sa kanilang bayan at pagbabahagi ng kanilang mga best practices na siyang magagamit ng mga delegasyon ng Balete para mas mapabuti pa ang serbisyong maibibigay sa mga Baleteño at mapaganda at mapaunlad pa ang Bayan ng Balete.

Muli, ang Lokal na Pamahalaan ng Balete, Batangas ay taos-pusong nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa isang mainit na pagtanggap, makakaasa kayo na ang lahat ng kaalaman at karanasan na natutunan ng aming delegasyon ay magagamit para ang antas ng aming serbisyo sa mga Baleteño ay patuloy na maitaas.

#bloomingbalete

Post a Comment

0 Comments