Paglilinis ng Baybay Lawa ng Taal, isinagawa

 





Paglilinis ng Baybay Lawa ng Taal, isinagawa

Isinagawa ngayong araw ang Coastal Clean-up sa baybaying lawa na sakop ng Brgy. Poblacion at Brgy. Sala, Balete, Batangas. Ito ay sa tulong ng mga volunteers mula sa tanggapan ng Municipal Tourism Office, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, MENRO, Philippine Coast Guard-Balete Unit, Balete Municipal Police Station at mag-aaral mula sa University of Batangas-Lipa Campus.
Naki-isa rin ang ilang mamamayan mula sa Barangay Sala na linisin ang tapat na baybayin na sakop nila.
Layunin ng grupo na maging malinis at kaaya-aya ang baybayin ng Lawa ng Taal, laluna't isa sa pinagmamalaki ng Balete ang magandang tanawin nito.
Mula sa Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Wilson V. Maralit, isang taus-pusong pasasalamat ang nais niyang iparating sa lahat nang tumulong at naki-isa sa nasabing coastal clean-up.

Post a Comment

0 Comments