Turn Over Ceremony of bridge between arangay ng Looc, Sampalocan and Magapi


 Turn Over Ceremony ng Tulay sa pagitan ng mga Barangay ng Looc, Sampalocan at Magapi, ginanap! 

Matapos ang ilang buwan ng konstruksyon ng nasabing tulay ginanap nitong ika-22 ng Marso, 2023 sa mismong tulay, ang pormal na turn-over nito sa Bayan ng Balete at Barangay na nakakasakop dito. Ang nasabing proyekto ay bahagi ng "Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang Agraryo (TPKP) Program" ng Department of Agrarian Reform. 

Ang seremonya ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbabasbas ng tulay at ribbon cutting na pinangunahan ni Mayor Wilson V. Maralit at ilang piling panauhin.  

Ito ay dinalauhan nina Engr. Abdul Cadil A. Manjoorsa II, Project Engineer ng Department of Public Works and Highways; Engr. Marilou C. Baslan, Provincial Agrarian Reform Program Officer II-DAR;  Atty. John Erick M. Sawal, Provincial Agrarian Reform Program Officer I-DAR; Kgg. Ma. Theresa V. Collantes, 3rd District Representative ng Probinsiya ng Batangas; Atty. King Collantes; Vice Mayor Alvin T. Payo; mga bumubuo ng  Sangguniang Bayan; mga Punong-Barangay; ilang Department Heads at mga residenteng naninirahan at makikinabang sa nasabing proyekto.

Post a Comment

0 Comments