TULONG TAAL 2023



Tulong Taal 2023

Noong ika-12 ng Enero 2020, ginimbal ang buong Probinsiya ng Batangas at kalapit lalawigan nito sa pagsabog ng itinuturing maliit ngunit aktibong bulkan-ang Taal.

Matatandaan na halos lahat ng mga taga-Balete ang lumikas patungo sa kalapit na bayan at lalawigan, noong mga panahon na iyon. Tirahan, kabuhayan at ibang pang ari-arian ang nasira at nawala dahil sa pagsabog ng bulkan. 

Pagkaraan ng tatlong (3) taon, kamusta na kaya ang mga mamamayan ng Bayan ng Balete? 

Sa tulong ng iba't ibang ahensiya at sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan, patuloy na bumabangon ang Bayan ng Balete sa naging epekto nito. 

Isa na rito ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor HERMILANDO "Dodo" I. MANDANAS na nagbigay ng 220 grocery packs at bigas para sa mga Baleteno, ito ay bilang paggunita ng ika-3 anibersaryo ng pagputok ng Bulkang Taal. 

Lubos naman ang pasasalamat  ni Mayor WILSON V. MARALIT at ng buong Sangguniang Bayan kay Gobernador Mandanas para  sa mga groceries at bigas para sa kanilang mga Kababayan.

Post a Comment

0 Comments