Nagtungo ngayong araw, ang Bise-Gobernador ng Probinsya ng Batangas na si Kgg. Jose Antonio "Mark" S. Leviste II sa Bayan ng Balete, Batangas upang personal na iabot ang 200 monoblocks chairs, para sa mga mamamayan dito. Malugod namang tinanggap ni Mayor Wilson V. Maralit, kasama sina Konsehal Ronald Maralit at Konsehal Roger Serenio ang mga nasabing upuan.
Ang 100 piraso ng upuan ay nakalaan upang magamit sa mga aktibidad at gawain ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o ERPAT. Samantala, ang natitirang 100 piraso ay para naman sa Balete Women''s Council.
Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga miyembro ng nasabing grupo sa kanilang natanggap na tulong mula sa Bise-Gobernador.
0 Comments