Update for Magapi-Sampalocan Bridge Project

 


Tingnan! ang kasalukuyang sitwasyon ng  Magapi-Sampalocan Bridge Project

Personal na binisita ngayong araw ni MAYOR WILSON V. MARALIT ang isinasagawang konstruksyon at proyekto ng tulay na magdudugtong sa mga barangay ng Magapi at Barangay Sampalocan sa Bayan ng Balete.

 Matapos ang halos isa at kalahating buwan mula nang isinagawa ang groundbreaking ceremony nito, heto na ngayon ang kasalukuyang sitwasyon ng tulay. 

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Department of Agrarian Reform at ng Department of Public Works and Highways na siya naman nagpapatupad at nagsasagawa ng konstruksyon.  Gayun din,  ito ay naging posible, sa pamamagitan ng  pakikipag-ugnayan ng ating lokal na pamahalaan sa mga nasabing ahensiya, katulong ang mga barangay at donors ng lupa. 

Ang two-lane bridge  ay inaasahan naman na  magbubukas sa darating na Enero 2023,    na makapagbibigay ng kaginhawaan sa mga motorista at mamamayan ng Balete, maging sa mga kalapit-bayan nito.

Post a Comment

0 Comments