Financial Assistance for Senior citizens of Municipality of Balete

 



Mga Lolo at Lola sa Balete, muling nakatanggap ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng Lokal na Bersyon ng Senior Citizen Pensioners.

Isang daan at dalawampu't limang (125) mga lolo at lola mula sa iba't ibang barangay ang nakatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Lokal na bersyon ng Senior Citizen Pensioners na binuo na programa nina Mayor WILSON V. MARALIT at ng buong Sangguniang Bayan.

Matatandaan na noong buwan ng Hulyo 2022 ay inilunsad ang unang pamamahagi para sa mga seniors na di nakakatanggap sa SCP ng nasyunal at mga matatandang may karamdaman.

Naniniwala naman sina Mayor Wilson at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan, kasama ang Municipal Social Welfare and Development, na malaki ang maitutulong ng perang kanilang (seniors) natanggap para sa pambili ng gamot, maintenance at iba pa nilang pangangailangan.

Post a Comment

0 Comments