Groundbreaking Ceremony ng Magapi-Sampalocan Bridge




 Groundbreaking Ceremony ng  Magapi-Sampalocan Bridge, isinagawa! 

Matatandaan na noong buwan ng Hulyo 2022, tinungo nina Mayor WILSON V. MARALIT, Engr. Vilma Serenio, G. Antonio Reyes at Engr. Abdulcadil A. Manjoorsa II-Project Manager II ng Department of Public Works and Highways ang masukal (madamo) na bahagi ng lupa sa Barangay Magapi, Balete kung saan dadaan at ilalagay ang tulay na magdudugtong mula sa nasabing barangay patungo sa kabilang bahagi ng ilog-ang Barangay Sampalocan.

Matapos ang ilang buwan ay inumpisahan na  ang clearing sa nasabing lugar, at kanina lamang ay isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa pormal na pag uumpisa ng konstruksyon ng nasabing tulay. 

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ni Mayor Wilson, kasama ang Sangguniang Bayan Members na sina Kon. Ronald Maralit, Kon. Raquel Maranan, Kon. Vio Del Mundo, Kon. Ralph Renz Lescano, Kon. Reynaldo Caguitla, Kon. Roger Serenio, LnB President Gerardo Villanueva at Municipal Engineer na si Engr. Vilma Serenio at iba pang Department Heads; Kapitan Nelson Vergara at buong Sangguniang Barangay Members ng Brgy. Magapi. 

Naging panauhin pandangal naman sina Engr. Manjoorsa II ng DPWH, Engr. Malic Ali-ARPO II ng Department of Agrarian Reform-Batangas at sa Pamilyang Reyes (sa pamamagitan ni Antonio Reyes) na siyang nag-donate ng lupa na dadaanan ng proyekto. 

Ang nasabing konstruksyon 2-lane bridge  ay mula sa pondo ng DAR at inaasahan na mabubuksan  at  madadaanan ng publiko sa Enero 2023.

 Ayon kay Mayor Wilson, ang tulay na ito ang siyang magpapaunlad sa Brgy. Magapi at Brgy. Sampalocan. 

Samantala, nagpasalamat din ang  Mayor sa buong Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor ALVIN T. PAYO sa suportang ibinibigay nila upang matupad ang mga  proyekto at programa ng Lokal na Pamahalaan para sa mga Kababayan.

Gayun din, sa mga ahensiya gaya ng DPWH at DAR, sa pamilyang Reyes, Engr.  Serenio at kay Engr at dating Kapitan ng Brgy. Sampalocan na si Kgg. Julian Ocampo.

Post a Comment

0 Comments